Network ng pharmacy ng Medicare
Available na ngayon ang Amazon Pharmacy
Maaari mo nang piliin ngayon ang Amazon Pharmacy para maghatid ng iyong mga karaniwang gamot sa mismong bahay mo
Ang Blue Shield of California Medicare Plans ay may dalawang uri ng mga network ng pharmacy:
- Kung naka-enroll ka sa isa sa mga sumusunod na plano mayroon kang access sa lahat ng pharmacy sa aming network. Pareho lang ang bahagi ng iyong gastos o cost share, anumang pharmacy ang iyong ginagamit:
- Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) sa Orange at San Bernardino county
- Blue Shield Inspire (HMO D-SNP) sa San Joaquin, Merced, at Stanislaus county
- Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) sa Los Angeles at San Diego county
- Kung naka-enroll ka sa anumang iba pang Blue Shield of California Medicare Advantage o Medicare Prescription Drug Plans, kasama sa iyong network ng pharmacy ang mga pharmacy na nag-aalok ng standard cost sharing at mga pharmacy na nag-aalok ng preferred cost sharing. Maaari kang pumunta sa kahit alin sa mga ito, pero ang iyong gastos ay posibleng mas mababa sa mga pharmacy na nag-aalok ng preferred cost sharing.
Kung gusto mong mapadalhan sa koreo ng direktoryo ng pharmacy, mangyaring tumawag sa (855) 203-3874 (TTY: 711) o mag-email sa MemberSvcs@blueshieldca.com.
Mga pharmacy na nasa network na nag-aalok ng preferred cost sharing sa Blue Shield of California Medicare Plans | |
---|---|
Mga pharmacy ng Albertsons/Osco/Savon/Pavilions | Tumawag sa (877) 276-9637 (TTY: 711) para makahanap ng lokasyong malapit sa iyo. |
Costco | Tumawag sa (800) 955-2292 (TTY: 711) para makahanap ng lokasyong malapit sa iyo. Hindi mo kailangang maging miyembro ng Costco para makagamit ng mga pharmacy ng Costco. |
CVS Pharmacy | Tumawag sa (800) 865-6647 (TTY: 711) para makahanap ng lokasyong malapit sa iyo. |
Ralphs/Kroger/Fred Meyer | Tumawag sa (888) 437-3496 (TTY: 711) para makahanap ng lokasyong malapit sa iyo. |
Safeway at Vons pharmacies | Tumawag sa (877) 723-3929 (TTY: 711) para makahanap ng lokasyong malapit sa iyo. |
Walmart at Sam’s Club | Tumawag sa (800) 925-6278 (TTY: 711) para makahanap ng lokasyong malapit sa iyo. |
Lokasyon ng pharmacy
Maghanap ng pharmacy sa iyong lugar. Ilagay ang iyong ZIP code o address, lungsod, at estado. Ipapakita ng mga resulta ng paghahanap sa Lokasyon ng pharmacy ang pinakamalapit na mga pharmacy na nasa network. Para mas madali sa iyo, puwede mo ring i-save at/o i-print ang mga resulta ng iyong paghahanap sa pamamagitan ng pagpili sa download.
Kung naka-enroll ka sa Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP), Blue Shield Inspire (HMO D-SNP) sa San Joaquin, Merced, at Stanislaus counties, Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) sa Los Angeles at San Diego counties:
Mga pharmacy na nasa network ng Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) (sa Orange at San Bernardino county), at Blue Shield Inspire (HMO D-SNP) (sa Merced, San Joaquin, at Stanislaus county):
Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) (sa Los Angeles at San Diego county)
Para matukoy ang mga pharmacy na nasa network na nag-aalok ng preferred cost sharing, tingnan kung ang listahan ay mayroong Preferred o Pinili sa column na Uri ng Pharmacy / Karagdagang mga serbisyo sa resulta ng iyong paghahanap.
Maaari ka ring mag-download ng direktoryo ng pharmacy:
Mag-download ng listahan ng mga pharmacy ng Medicare Advantage Prescription Drug Plan para sa mga miyembro ng Pang-Indibiduwal at Panggrupong Employer plan
- English (PDF, 2.5 MB)
- Español (PDF, 2.8 MB)
- Chinese, traditional (PDF, 2.8 MB)
- English – Mga miyembro ng UFCW (PDF, 4.0 MB)
- Español – Mga miyembro ng UFCW (PDF, 6.6 MB)
Kung kailangan mo ng tulong sa pagpili ng kalahok na pharmacy, o gusto mong magtanong tungkol sa pinakabagong impormasyon sa network ng pharmacy, pakitawagan ang customer service sa numero na nasa iyong ID card bilang miyembro.
Kumuha ng mas mahabang supply ng iyong reseta
Sinasaklaw ng iyong Blue Shield Medicare plan ang mas mahabang supply (90 o 100 araw, depende sa iyong plano) ng iyong maintenance na gamot sa lahat ng pharmacy na nasa network, kabilang ang Amazon Pharmacy. Ang mga maintenance na gamot ay ang mga inireseta para gamutin ang isang hindi gumagaling o pangmatagalang medikal na kondisyon, tulad ng hika, diabetes, mataas na presyon ng dugo, o mataas na cholesterol, at iniinom ng patuluyan at regular para mapanatili ang kalusugan. Magtanong sa iyong doktor para sa isang mas mahabang supply ng reseta. Kung nag-aalok ang iyong plano ng mga pharmacy na nasa network na may preferred cost sharing, puwede kang makatipid kung punan mo ang reseta sa isang preferred cost-sharing na pharmacy, na kinabibilangan ng mga piling retail pharmacy at Amazon Pharmacy.
Pharmacy na naghahatid sa bahay
Puwede mong ipahatid ang iyong mga maintenance na gamot sa iyong bahay o opisina sa pamamagitan ng Amazon Pharmacy nang walang bayad ang shipping o delivery. Maaari kang bumisita sa Amazon Pharmacy o tumawag sa Amazon Pharmacy sa (856) 208-4665, 24/7 (TTY: 711).
Mga specialty pharmacy
Available ang mga specialty pharmacy sa lahat ng miyembro ng Blue Shield of California Medicare Advantage at Medicare Prescription Drug Plan (Medicare Part D). Maaaring itawag o i-fax ng iyong doktor ang iyong reseta sa alinmang specialty pharmacy sa aming network, kabilang ang CVS Specialty® pharmacy.
Online: cvsspecialty.com
Telepono: (800) 237-2767
Fax: (800) 323-2445
Kasama sa network ng pharmacy ng Blue Shield of California ang limitadong mas mababang gastos, mga pharmacy na may preferred cost sharing sa mga partikular na county sa loob ng California. Ang mas mabababang gastos na inanunsyo sa mga dokumento ng aming plano para sa mga pharmacy na ito ay maaaring hindi available sa parmasya na iyong ginagamit. Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa aming mga network ng pharmacy, kabilang na kung may mas murang pharmacy na may preferred cost sharing sa iyong lugar, mangyaring tumawag sa numero ng Customer Service sa iyong ID card, (TTY: 711), 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo, o sumangguni sa direktoryo ng online na pharmacy sa blueshieldca.com/medpharmacy2025.
Group Medicare Advantage Only plans
Ang Group Medicare Advantage Only plans ay walang mga benepisyo ng Part D sa carrier na ito. Tingnan ang website ng iyong Part D carrier para sa saklaw ng mga benepisyo ng Part D na reseta.
Saklaw ng reseta na wala sa network
Bilang isang miyembro ng Blue Shield of California Medicare Advantage o Medicare Prescription Drug Plan (Medicare Part D), kailangan mong gumamit ng mga nasa network na provider para makuha ang iyong medikal na pangangalaga at mga serbisyo. Ang mga tanging pagbubukod ay:
- Mga emergency
- Agarang kailangang pangangalaga kapag ang isang nasa network na provider ay hindi available (karaniwan na, kapag nasa labas ka ng lugar)
- Mga serbisyo ng dialysis na hindi available sa lugar
- Mga kaso kung saan pinahihintulutan ng Blue Shield of California Medicare health plan ang paggamit ng mga wala sa network na provider
Responsibilidad mo ang pagbabayad ng buong gastusin ng mga serbisyo ng di-pinahintulutang mga serbisyong saklaw na wala sa network.
Pakitingnan ang Kabanata 3 ng Ebidensya ng Saklaw ng iyong plano para sa kumpletong impormasyon sa medikal na saklaw na wala sa network.
Paggamit ng isang pharmacy na wala sa network ng Blue Shield of California
Mayroon kaming network ng mga pharmacy sa labas ng aming lugar ng serbisyo kung saan puwede mong mapunan ang mga reseta. Sa pangkalahatan, sinasaklaw lang namin ang mga gamot na kinuha sa wala sa network na pharmacy kapag hindi ka makakagamit ng pharmacy na nasa network. Para tulungan ka, mayroon kaming mga itinalagang mga pharmasy na nasa network na nasa labas ng aming lugar ng serbisyo kung saan maaari mong punan ang iyong mga reseta bilang miyembro ng aming plano. Kung hindi ka makakagamit ng pharmacy na nasa network, narito ang mga situwasyon kung kailan sasaklawin namin ang mga reseta na pinunan sa pharmacy na wala sa network:
- Kung hindi ka agad makakakuha ng saklaw na gamot sa loob ng aming lugar ng serbisyo dahil walang pharmacy na nasa network sa loob ng makatuwirang distansya ng pagmamaneho na nagbibigay ng 24 oras na serbisyo
- Kung sinusubukan mong punan ang saklaw na inireresetang gamot na hindi regular na ini-stock sa isang karapat-dapat na network retail o pharmacy na naghahatid sa bahay (kasama sa mga gamot na ito ang mga orphan drug, mahal at kakaibang mga gamot, o ibang mga espesyalidad na pharmaceutical)
- Ang ilang mga bakunang ibinibigay sa tanggapan ng iyong doktor na hindi saklaw sa ilalim ng Medicare Part B at hindi makatuwirang makukuha sa isang pharmacy na nasa network ay maaaring masaklaw sa ilalim ng aming access na wala sa network.
- Ang mga resetang pinunan sa mga wala sa network na pharmacy ay limitado sa pang-30 araw na supply ng mga saklaw na gamot
Sa mga situwasyong ito, pakitawagan ang Customer Service sa numero na nasa iyong ID card bilang miyembro para maghanap ng pharmacy na nasa network na malapit sa iyo.
Inirerekomenda naming punan mo ang lahat ng reseta bago magbiyahe palabas sa lugar para mayroon kang sapat na supply. Kung kailangan mo ng tulong sa pagkuha ng sapat na supply bago ang iyong pag-alis, pakikontak ang Customer Service.
Posibleng mas malaki ang babayran mo para sa anumang gamot na kukunin mo sa pharmacy na wala sa network kumpara sa babayaran mo sa pharmacy na nasa network. Ire-reimburse namin sa iyo ang mga claim na wala sa network na pharmacy gamit ang aming mga nakakontratang rate. Ikaw ang magbabayad sa sobra.
Direktang pag-reimburse sa miyembro
Bilang isang karapat-dapat na miyembro ng Medicare Part D, sa bawat pagkakataon na magbabayad ka mula sa sariling bulsa para sa isang resetang saklaw sa ilalim ng iyong plano ng benepisyo ng pharmacy, maaari kang magsumite ng kahilingan para sa pag-reimburse.
Kailangang matanggap ang form ng pag-reimburse sa loob ng tatlong taon mula sa petsa na binayaran mo ang serbisyo. Tinatawag ang prosesong ito na direktang pag-reimburse sa miyembro o direct member reimbursement (DMR).
Ang pagsusumite ng form ay hindi gumagarantiya ng pagbabayad. Hindi maipoproseso ang mga kahilingan sa pag-reimburse kung walang mga resibo ng reseta.
Kung kailangan mo ng tulong sa pagkumpleto ng DMR form, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong pharmacist o tumawag sa Customer Service sa numero na nasa iyong ID card bilang miyembro.
DMR na form para sa mga miyembro ng Medicare, English (PDF, 239 KB)
DMR na form para sa mga miyembro ng Medicare, Español (PDF, 148 KB)
Ipadala sa koreo ang sinagutang DMR form sa:
Claims Processing
1606 Ave. Ponce de Leon
San Juan, PR 00909-4830
Y0118_24_492A3_C 12232024
H2819_24_492A3_C Accepted 12282024
Huling na-update ang pahina: 01/01/2025
Ang Amazon Pharmacy ay hiwalay sa Blue Shield of California at kinontrata ng Blue Shield upang maihatid sa bahay ang mga inireresetang gamot para sa mga miyembro ng Blue Shield. Responsibilidad ng mga miyembro ang kanilang bahagi sa gastusin, tulad ng nakasaad sa mga detalye ng benepisyo ng kanilang plano. Makikita ang impormasyon tungkol sa mga partikular na benepisyo ng inireresetang gamot at mga di-kasama sa benepisyo ng gamot sa mga dokumento ng plano ng miyembro. Maaaring tumawag ang mga miyembro sa numero ng Customer Service sa kanilang ID card bilang miyembro ng Blue Shield kung mayroon silang mga tanong tungkol sa coverage ng Blue Shield para sa kanilang iniresetang gamot.