Dual Special Needs Plans (D-SNP)
Makinabang ng higit mula sa Medicare at Medi-Cal sa pamamagitan ng Dual Special Needs Plan. Tumawag ngayon para alamin ang higit pa tungkol sa mga benepisyo ng D-SNP na iniaalok ng aming Blue Shield plan sa (877) 510-5739.†
Ano ang Dual Special Needs (D-SNP) Plan?
Ang mga Medicare Dual Special Needs Plan (D-SNP) ay espesyal na Medicare Advantage plans na ibinabagay sa mga kuwalipikado para sa parehong Medicare at Medi-Cal. Nag-aalok ang mga planong ito ng komprehensibong saklaw at serbisyo, na nagbibigay ng pinagsamang pagtugon para sa pangangalagang pangkalusugan.
Pinapalawak ng mga D-SNP ang mga benepisyo na higit pa sa Original Medicare, kabilang ang coverage sa iniresetang gamot, mga serbisyo sa ngipin, paningin, at pandinig, tulong sa transportasyon, at pagsasaayos ng pangangalaga. Dinisenyo ang mga pagpapahusay na ito para matugunan ang natatanging pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan ng mga kuwalipikadong indibiduwal, na tinitiyak na nakakatanggap sila ng kinakailangang pangangalaga at suporta.
Bakit mo pipiliin ang Dual Special Needs Plan?
Ang mga D-SNP ay ginawa para sa mga may parehong Medicare at Medi-Cal upang bigyan sila ng pinakamahusay na karanasan hangga't maaari habang inaalis ang pamamahala sa magkahiwalay na plano. May mga karagdagang libreng benepisyo. Nag-aalok din ang Blue Shield ng mga coordinator ng pangangalaga para gawing simple ang komplikadong pangangalagang pangkalusugan.
Kontakin ang iyong coordinator ng pangangalaga para humingi ng tulong sa:
- Mga tanong tungkol sa iyong pangangalagang pangkalusugan
- Mga tanong tungkol sa pagkuha ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali (sakit sa kalusugan ng isip at paggamit ng droga)
- Mga tanong tungkol sa mga benepisyo sa ngipin
- Mga tanong tungkol sa transportasyon patungo sa mga medikal na appointment
- Mga tanong tungkol sa Mga Pangmatagalang Serbisyo at Suporta (Long-term Services and Supports, LTSS), kabilang ang Mga Serbisyong Nasa Komunidad para sa May-edad (Community-Based Adult Services, CBAS) at Mga Pasilidad ng Pag-aalaga (Nursing Facilities, NF)
Naghahandog ang Blue Shield ng Blue Shield TotalDual plan (HMO D-SNP) sa mga bagong miyembro sa mga county ng Los Angeles at San Diego. Ang aming mga HMO D-SNP plan sa mga county ng Merced, Orange, San Bernardino, San Joaquin, at Stanislaus ay sarado para sa bagong enrollment.
Tuklasin ang mga plano ng Medicare sa lugar mo
Mga benepisyo ng plano
Dual Special Needs Dental Plan
Walang bayad na mga benepisyo sa ngipin na umaakma sa mga benepisyo sa ngipin ng Medi-Cal.
Allowance ng mga over-the-counter na bagay¹
Mga OTC na produkto sa kalusugan at kagalingan na may buwanan o kada tatlong buwan na allowance.
Allowance sa Masustansiyang Grocery
Kasama sa aming plano sa Los Angeles at San Diego ang buwanang allowance para bumili ng mga masusustansiyang grocery at produkto.
Nasa network ba namin ang doktor mo?
Nauunawaan namin kung gaano kahalaga na manatili sa iyong doktor. Sa Blue Shield, mayroon kaming mga plano kasama ang isa sa pinakamalaking network ng mga doktor at ospital sa California. Alamin ang pinakabagong listahan ng mga provider sa aming direktoryo ng provider.
Miyembro ka na ba?
Hanapin ang lahat ng dokumento ng Blue Shield of California Dual Special Needs Plan, kabilang ang handbook ng miyembro, form ng enrollment, checklist ng enrollment, abiso sa tulong sa wika, at Medicare Star Ratings.
Kumuha ng karagdagang impormasyon
Kumonekta sa amin
Alamin ang sagot sa iyong tanong tungkol sa Medicare. Tawagan ang isang tagapayo ng Blue Shield Medicare sa 800-260-9607 (TTY: 711)† o mag-book ng appointment online. Hindi ka obligadong mag-enroll.
Sumali sa isang event ng Medicare
Dumalo sa isang libreng live o online na seminar para matuto nang higit tungkol sa Medicare at masagot ang iyong mga tanong.
Handa ka nang mag-enroll?
Madali lang magpa-enroll online! Tuklasin ang mga plano sa lugar mo para makahanap ng plano na akma sa pangangailangan mo at budget.
1 May inilapat na limitasyon ng order. Hindi maaaring gamitin ang hindi nagamit na allowance sa susunod na quarter.
Inaprubahan ng Medicare ang Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) para makapagbigay ng mga benepisyong ito at mas mababang mga copayment bilang bahagi ng programa ng Value-Based Insurance Design. Pinapayagan ng programang ito ang Medicare na subukin ang mga bagong paraan ng pagpapabuti sa Medicare Advantage plans.
Y0118_24_441A2_M Accepted 12252024
H2819_24_441A2_M Accepted 12252024
Huling na-update ang page: 1/1/2025