Mga programa ng Medicare para sa pinansiyal na tulong
Plano sa Pagbabayad ng Reseta ng Medicare
Simula Enero 1, 2025, magkakaroon ng bagong opsiyon sa pagbabayad para matulungan ang mga miyembro ng Medicare na pamahalaan ang sariling gastos para sa kanilang gamot. May tatlong paraan para mag-enroll.
- Mag-download ng PDF na punan at ipadala sa koreo.
Ingles (PDF, 2.6 MB) / Espanyol (PDF, 2.2 MB) / Chinese (PDF, 2.5 MB) - Mag-enroll online.
- Tumawag sa (833) 696-2087 (TTY: 711) sa pagitan ng 8 a.m. at 8 p.m., pitong araw sa isang linggo
Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang Medicare.gov
O mag-download ng isang factsheet:
Ingles (PDF, 2.3 MB) / Espanyol (PDF, 860 KB) / Chinese (PDF, 2.3 MB)
Mga Medicare Savings Program
Kung limitado ang sahod at mga asset mo, maaari kang maging kuwalipikado para sa Medicare Savings Program upang tulungan kang magbayad sa mga gastos mo sa Medicare. May apat na uri ng Medicare savings program.
Kuwalipikadong Benepisyaryo ng Medicare (Qualified Medicare Beneficiary, QMB) na Programa
Tumutulong ang QMB na programa sa pagbayad sa:
- Mga premium ng Medicare Part A
- Mga premium ng Medicare Part B
- Mga deductible, coinsurance, mga copayment (para sa mga serbisyo at item na sinasaklaw ng Medicare)
Benepisyaryo ng Medicare sa Espesipikong Mababa ang Suweldo (Specified Low-Income Medicare Beneficiary, SLMB) na Programa
Makakatulong sa iyo ang SLMB na programa na magbayad sa:
- Mga premium ng Medicare Part B (Kailangang mayroon kang Part A at Part B para maging kuwalipikado.)
Kuwalipikadong Indibiduwal (Qualifying Individual, QI) na Programa
Makakatulong sa iyo ang QI na programa na magbayad sa:
- Mga premium ng Medicare Part B (Kailangang mayroon kang Part A at Part B para maging kuwalipikado.)
Kuwalipikado na Nagtratrabahong Indibiduwal na may Kapansanan (Qualified Disabled and Working Individuals, QDWI) na Programa
Makakatulong sa iyo ang QDWI na programa na magbayad sa:
- Mga premium lang ng Medicare Part A
Bawasan ang gastos mo sa gamot ng Medicare Part D sa pamamagitan ng Karagdagang Tulong
Maaaring maging kuwalipikado sa programang Karagdagang Tulong ang mga indibiduwal na may limitadong kita at mapagkukunan para tulungan silang bayaran ang premium ng Part D, deductible, at copayment. Kung kuwalipikado, maaaring makatulong ang Medicare sa pagbabayad sa gastos sa mga gamot mo. Bukod dito, ang mga naging kuwalipikado ay hindi sasailalim sa coverage gap o mamumulta sa naantalang pagpapa-enroll.
Kung makakatanggap ka ng Karagdagang Tulong mula sa Medicare para mabayaran ang mga gastusin mo sa Medicare prescription drug plan, ang iyong kabuuang buwanang premium ng plano bilang isang miyembro ng aming plano ay nakadepende sa halaga ng matatanggap mo bilang karagdakang tulong.
I-download ang chart para makita kung magkano ang iyong buwanang premium ng plano kung makakatanggap ka ng karagdagang tulong.
Chart ng buod ng Medicare Advantage Prescription Drug Plan (MAPD) LIS Premium: Ingles (PDF, 136 KB) / Espanyol (PDF, 183 KB) / Chinese (PDF, 292 KB)
Chart ng buod ng Prescription Drug Plan (PDP) LIS Premium: Ingles (PDF, 153 KB) / Espanyol (PDF, 171 KB)
Chart ng buod ng Dual Special Needs Plan (HMO D-SNP) LIS Premium: Ingles (PDF, 153 KB) / Espanyol (PDF, 152 KB) / Arabic (PDF, 328 KB) / Armenian (PDF, 237 KB) / Chinese (Simplified) (PDF, 208 KB) / Chinese (Traditional) (PDF, 229 KB) / Farsi (PDF, 349 KB) / Khmer (PDF, 271 KB) / Korean (PDF, 220 KB) / Russian (PDF, 142 KB) / Tagalog (PDF, 181 KB) / Vietnamese (PDF, 160 KB)
Paano ko malalaman kung kwalipikado ako para sa karagdagang tulong?
Kung naniniwala kang kuwalipikado ka para sa Low-Income Subsidy (LIS) at 100% ang binabayaran mo sa iyong premium, maaari mong kontakin ang mga mapagkukunan sa ibaba para sa karagdagang impormasyon:
- 1-800 MEDICARE (1-800 633-4227), 24 oras sa isang araw/pitong araw sa isang linggo (maliban lang sa ilang federal holiday). Maaaring tumawag ang mga user ng TTY sa 1-877 486-2048, 24 oras sa isang araw/pitong araw sa isang linggo.
- Ang Social Security Office sa 1-800 772-1213 sa pagitan ng 8 a.m. at 7 p.m., Lunes hanggang Biyernes. Puwedeng tumawag ang mga user ng TTY sa 1-800 325-0778, o pumunta sa https://www.ssa.gov/benefits/medicare/prescriptionhelp.
- Opisina ng Medicaid sa iyong estado
Kumuha ng karagdagang impormasyon
I-download ng libreng booklet*
Kumuha ng libreng kopya ng Mga Opsiyon Mo sa Medicare para maunawaan ang iyong mga pagpipiliang saklaw.
Mga video na naglalaman ng impormasyon
Panoorin ang mga nakapagtuturong video para malaman ang tungkol sa Medicare at mga pagpipilian mong saklaw.
Hindi ito kumpletong paglalarawan sa mga benepisyo. Puwedeng kontakin ng mga kasalukuyang miyembro ang Customer Service sa (800) 776-4466 (TTY: 711) para sa higit pang impormasyon. Ang mga oras ng opisina ay 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo. Maaaring kontakin ng mga miyembrong may Blue Shield of California Dual Special Needs Plans ang (800) 452-4413 (TTY:711), 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo.
Y0118_24_424A1_M Accepted 10122024
H2819_24_424A1_M Accepted 10122024
Huling na-update ang pahina: 10/15/2024