Formulary ng Gamot ng Medicare

Bawat Blue Shield of California Medicare Advantage at Medicare Prescription Drug Plan (Medicare Part D) ay mayroong listahan ng mga gamot na sinasaklaw nito. Ang listahang ito ay tinatawag na formulary. Maaari mong ma-access ang listahan ng mga covered na gamot sa aming Medicare Advantage at Medicare Prescription Drug Plans (Medicare Part D) (tingnan ang seksiyon na Formulary ng bawat plano sa ibaba). Kung may tanong ka tungkol sa kung paano mas maiintindihan ang iyong formulary, puntahan ang mga madalas itanong

 

Paano gumagana ang mga formulary ng Medicare:

Bawat formulary ng Blue Shield of California ay naglalaman ng mga gamot na sinuri at inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA). Palaging pinapabuti at ina-update ng Blue Shield Pharmacy and Therapeutics (P&T) Committee ang formulary para tiyakin na natutugunan nito ang lahat ng kahilingan ng Medicare para sa mga kasama at di-kasamang gamot. 

Kasama sa Blue Shield P&T Committee ang mga doktor at mga clinical pharmacist mula sa aming mga network ng provider at pharmacy. Ang mga bumubotong miyembro ng committee ay hindi  mga empleyado ng Blue Shield of California. Para tulungan ang mga doktor sa pagreseta ng medikal na naaangkop at sulit na mga gamot, sinusuri ng P&T Committee ang: 

  • Medikal na literatura
  • Mga label ng gamot ng FDA 
  • Pambansang mga alituntunin ng paggamot para i-update ang formulary at pamantayan ng paunang pahintulot ng gamot

Lahat ng inirekomendang pagbabago sa mga formulary at pamatanyan ng paunang pahintulot ng gamot ng Blue Shield of California Medicare ay inaaprubahan muna ng Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS), na siyang nangangasiwa sa programa ng Medicare.

Kapag hindi sinasaklaw ng iyong plano ang isang partikular na gamot, maaari mong hilingin sa Blue Shield of California na gumawa ng pagbubukod sa mga tuntunin na namamahala sa saklaw. Puntahan ang Mga pagpapasya at pagbubukod sa saklaw na page para sa higit pang impormasyon.

 

Mga diabetic test strip ng Medicare Part B

Para sa Blue Shield 65 Plus (HMO), Blue Shield 65 Plus Plan 2 (HMO), Blue Shield Inspire (HMO), Blue Shield 65 Plus Choice Plan (HMO), Blue Shield Enhanced (HMO), at Blue Shield Select (PPO), tingnan ang sumusunod para sa higit pang impormasyon.

Alamin ang tungkol sa Part B na piniling mga diabetic test strip:

Para sa Blue Shield AdvantageOptimum Plan (HMO), Blue Shield AdvantageOptimum Plan 1 (HMO), Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) sa Orange at San Bernardino County, Blue Shield Inspire (HMO D-SNP), at Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) sa Los Angeles at San Diego county, tingnan ang sumusunod para sa higit pang impormasyon.

Alamin ang tungkol sa Part B na piniling mga diabetic test strip:

 

Mahalagang mensahe tungkol sa iyong mga gastusin para sa mga bakuna at insulin:

  • Ang babayaran mo para sa Paxlovid – sinasaklaw ng aming plano ang Paxlovid nang libre para sa iyo, kahit na hindi mo natugunan ang iyong nababawas o deductible, kung mayroon.
  • Ang babayaran mo para sa mga bakuna – sinasaklaw ng aming plano ang karamihan sa mga Part D na bakuna nang libre para sa iyo, kahit na hindi mo natugunan ang iyong nababawas o deductible, kung mayroon.
  • Ang babayaran mo para sa insulin – hindi ka magbabayad ng higit sa $35 para sa isang buwang supply ng bawat produktong insulin na sinasaklaw ng aming plano, anumang tier ng pagbabahagi ng gastos ito kabilang, kahit na hindi mo natugunan ang iyong nababawas o deductible, kung mayroon.

Formulary ng bawat plano
Pumili ng plano para makita ang listahan ng mga gamot na sinasaklaw ng plano. Available ang mga formulary online at sa PDF na format para ma-download. Kakailanganin mo ng Adobe Reader para mabasa ang PDF.

Y0118_24_492A3_C 12232024
H2819_24_492A3_C Accepted 12282024

Huling na-update ang pahina: 01/01/2025

 

*Libreng digital na kopya nang walang obligasyong mag-enroll.

Available ang mga Tagapayo ng Blue Shield Medicare mula Abril 1 hanggang Setyembre 30: 8 a.m. hanggang 8 p.m., Lunes hanggang Biyernes at mula Oktubre 1 hanggang Marso 31: 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo.

© California Physician’s Service DBA Blue Shield of California 1999-2025. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

Ang California Physician’s Service DBA Blue Shield of California ay isang independiyenteng miyembro ng Blue Shield Association.

Blue Shield of California 601 12th Street, Oakland, CA 94607.

Para sa Blue Shield Medicare Advantage Plans: Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, PPO at PDP plan na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.

 
 
Sumusunod ang kumpanya sa mga naaangkop na batas ng estado at pederal na batas sa karapatang sibil at hindi ito nagtatangi, nagsasantabi ng mga tao, o iba ang pagtrato sa kanila dahil sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, etnikong pangkat, medikal na kondisyon, genetic na impormasyon, angkan, relihiyon, kasarian, katayuan sa pag-aasawa, gender, kinikilalang gender, seksuwal na oryentasyon, edad, kapansanan sa pag-iisip, o pisikal na kapansanan. La compañía cumple con las leyes de derechos civiles federales y estatales aplicables, y no discrimina, ni excluye ni trata de manera diferente a las personas por su raza, color, país de origen, identificación con determinado grupo étnico, condición médica, información genética, ascendencia, religión, sexo, estado civil, género, identidad de género, orientación sexual, edad, ni discapacidad física ni mental. 本公司遵守適用的州法律和聯邦民權法律,並且不會以種族、膚色、原國籍、族群認同、醫療狀況、遺傳資訊、血統、宗教、性別、婚姻狀況、性別認同、性取向、年齡、精神殘疾或身體殘疾而進行歧視、排斥或區別對待他人。