Patakaran sa kalamidad at emergency ng Medicare

Pagkuha ng pangangalaga sa panahon ng kalamidad o emergency para sa mga miyembro ng Medicare Advantage at Prescription Drug Plan

Kapag mahinto ang pangangalagang pangkalusugan sa panahon ng kalamidad o emergency, kikilos ang Blue Shield sa inyong ikabubuti. Mabilis kaming tutugon sa mga miyembrong nangangailangan. Susundin din namin ang lahat ng kinakailangan ng Center for Medicare and Medicaid Services (CMS). Sa isang emergency, magpapadala kami ng impormasyon sa mga miyembro sa pag-access sa pangangalagang pangkalusugan sa maraming paraan. Maaaring kasama rito ang direktang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, koreo, email, webpage, portal ng miyembro, at marami pang iba. Ito ay depende sa gusto ng miyembro at sa mga kinakailangan ng CMS.

Idedeklara ang kalamidad sa isa sa mga paraang ito:

  • Deklarasyon ng presidente sa isang sakuna o emergency sa ilalim ng Stafford Act o National Emergencies Act
  • Pagpapahayag ng secretary sa isang pampublikong emergency sa kalusugan sa ilalim ng seksyon 319 ng Public Health Service Act
  • Pagpapahayag ng gobernador ng estado o protectorate

Kapag nagdeklara ng sakuna o emergency at nahinto ang access sa pangangalaga:

  • Sasaklawin ng Blue Shield of California ang mga benepisyong ipinagkaloob sa inyo ng mga wala sa network na provider.
  • Hindi ninyo kailangan ng mga referral o paunang pahintulot.
  • Magkakaroon kayo ng parehong pagbabahagi ng gastos na parang ang benepisyo ay ipinagkaloob ng nasa network na provider.
  • Mapupunan ninyong muli ang mga reseta nang maaga kung kinakailangan.

Kapag natapos na ang sakuna, idedeklara ito sa isa sa mga paraang ito:

  • Ang pinagmulan na nagdeklara ng pampublikong emergency sa kalusugan o estado ng sakuna ay nagdedeklara ng pagtatapos.
  • Nagdedeklara ang Center for Medicare and Medicaid Services (CMS) ng pagtatapos sa pampublikong emergency sa kalusugan o estado ng kalamidad.
  • Kapag lumipas na ang tatlumpung (30) araw simula ng pagpapahayag ng pampublikong emergency sa kalusugan o estado ng kalamidad, at walang tinukoy na petsa ng pagtatapos ang orihinal na pinagmulan ng CMS, ituturing ito na katapusan ng kalamidad.

Kung mayroon kayong anumang mga tanong, mangyaring makipag-ugnayan sa Serbisyo sa Customer ng Blue Shield of California para sa inyong natukoy na plano:

Medicare Advantage Prescription Drug Plans  
Telepono:
(800) 776-4466 (TTY: 711) – 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo
 

Dual Special Needs Plans
Telepono:
(800) 452-4413 (TTY: 711) – 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo

Medicare Prescription Drug Plans
Telepono:
(888) 239-6469 (TTY: 711) – 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo

Y0118_24_428A_C 09122024
H2819_24_428A_C Accepted 09172024

Huling na-update ang pahina: 10/1/2024

*Libreng digital na kopya nang walang obligasyong mag-enroll.

Available ang mga Tagapayo ng Blue Shield Medicare mula Abril 1 hanggang Setyembre 30: 8 a.m. hanggang 8 p.m., Lunes hanggang Biyernes at mula Oktubre 1 hanggang Marso 31: 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo.

© California Physician’s Service DBA Blue Shield of California 1999-2024. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

Ang California Physician’s Service DBA Blue Shield of California ay isang nagsasariling miyembro ng Blue Shield Association.

Blue Shield of California 601 12th Street, Oakland, CA 94607.

Para sa Blue Shield Medicare Advantage Plans: Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, PPO at PDP na plano na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Nakadepende ang pagpapa-enroll sa Blue Shield of California sa pag-renew ng kontrata.

 
 
Sumusunod ang kumpanya sa mga naaangkop na batas ng estado at pederal na batas sa karapatang sibil at hindi ito nandidiskrimina, nagtatangi ng mga tao, o tinatrato sila nang naiiba batay sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, etnikong pangkat, medikal na kundisyon, genetic na impormasyon, ninuno, relihiyon, kasarian, katayuan sa pag-aasawa, kinikilalang kasarian, sekswal na oryentasyon, edad, kapansanan sa pag-iisip, o pisikal na kapansanan. La compañía cumple con las leyes de derechos civiles federales y estatales aplicables, y no discrimina, ni excluye ni trata de manera diferente a las personas por su raza, color, país de origen, identificación con determinado grupo étnico, condición médica, información genética, ascendencia, religión, sexo, estado civil, género, identidad de género, orientación sexual, edad, ni discapacidad física ni mental. 本公司遵守適用的州法律和聯邦民權法律,並且不會以種族、膚色、原國籍、族群認同、醫療狀況、遺傳資訊、血統、宗教、性別、婚姻狀況、性別認同、性取向、年齡、精神殘疾或身體殘疾而進行歧視、排斥或區別對待他人。