Mga programa na suporta para sa mga miyembro ng Medicare

Bilang isang miyembro ng Medicare, maaari kayong maging kwalipikado para sa mga programa ng county, estado, at pederal. Makakasuporta ang mga programang ito sa inyong mga pangangailangan sa kalusugan at magbababa sa mga gastusin. Hindi ito mga programa ng Blue Shield of California. Gayunpaman, makakatulong kaming ikonekta kayo sa mga serbisyong ito.

Dapat kumpirmahin ng mga miyembro ng Medicare Supplement na plano sa isang tagapayo ng Medicare.
 

California Medicare Savings Programs

Maaari kayong maging kwalipikado para sa Medicare Savings Programs upang mabawasan ang mga gastusing mula sa sariling bulsa. Makakatulong ang Medicare Savings Programs na saklawin ang Medicare Part A at Part B na mga premium at halaga ng coinsurance. Maaaring maging kwalipikado ang mga miyembro sa mga savings program sa iba't ibang antas, depende sa sahod at mga asset. Alamin kung kayo ay karapat-dapat para sa isang Medicare Savings Program. Maaari rin ninyong tawagan ang DHCS Medi-Cal Member Helpline sa (800) 541-5555, 8 a.m. hanggang 5 pm. Available sila mula Lunes hanggang Biyernes.

Para sa mga tanong tungkol sa Medicare Savings Program, pakitawagan kami sa (844) 378-4181 (TTY: 711), 8 a.m. hanggang 5 p.m. Available kami mula Lunes hanggang Biyernes.
 

Medi-Cal: Paano mag-apply at mag-renew

Maaari ring maging kwalipikado para sa Medi-Cal ang mga miyembro ng Medicare na may mas mababang sahod. Tingnan kung kwalipikado kayo para sa Medi-Cal. Kung mayroon na kayong Medi-Cal at Medicare (kilala rin bilang dalawahang pagiging kwalipikado), maghanap ng mga mapagkukunan upang mapanatili ang inyong pagiging karapat-dapat sa Medi-Cal. Maaari rin ninyong tawagan ang DHCS Medi-Cal Member Helpline sa (800) 541-5555, 8 a.m. hanggang 5 p.m. Available sila mula Lunes hanggang Biyernes.

Para sa mga tanong tungkol sa dalawahang pagiging karapat-dapat at pag-renew ng pagiging karapat-dapat sa Medi-Cal, tawagan ang aming pangkat ng Dual Retention sa (844) 378-4181 (TTY: 711), 8 a.m. hanggang 5 p.m. Available sila mula Lunes hanggang Biyernes.
 

Part D Low Income Subsidy (kilala rin bilang Karagdagang Tulong)

Maaaring karapat-dapat ang ilang miyembro ng Medicare para sa Part D Low Income Subsidy Program (kilala rin bilang Karagdagang Tulong). Ibinababa ng programang ito ang gastusin ng mga copay ng inireresetang gamot at mga premium ng Part D. Matuto pa tungkol sa mga antas ng suporta at kung kayo ay kwalipikado. Maaari rin kayong tumawag sa Social Security toll-free sa (800) 772-1213 (TTY: 800-325-0778), 7 a.m. hanggang 7 p.m. Available sila mula Lunes hanggang Biyernes.

Para sa mga tanong tungkol sa Part D Low Income Subsidy, tawagan kami sa (844) 378-4181 (TTY: 711), 8 a.m. hanggang 5 p.m. Available kami mula Lunes hanggang Biyernes.
 

Federal Affordable Connectivity Program

Nagbibigay ang Affordable Connectivity Program ng mga diskwento para sa serbisyo sa internet at mga elektronikong aparato na kailangan para sa eskwelahan, trabaho, pangangalagang pangkalusugan, at higit pa. Ang mga miyembrong karapat-dapat ay maaaring makakuha ng mga diskwento na hanggang $30 bawat buwan para sa serbisyo sa internet (o higit pa sa ilang mga sitwasyon). Maaari rin kayong makatipid sa mga computer at tablet. Matuto nang higit pa tungkol sa programa. Tingnan kung kwalipikado kayo. Maaari rin kayong tumawag sa Affordable Connectivity Program Helpline sa (877) 384-2575, 6 a.m. hanggang 6 p.m., pitong araw sa isang linggo.

Matutulungan rin namin kayo sa pagsuri ng inyong pagiging karapat-dapat at pagpuno ng inyong aplikasyon. Tawagan kami sa (844) 378-4181 (TTY: 711), 8 a.m. hanggang 5 p.m. Available kami mula Lunes hanggang Biyernes.
 

Connected California Digital Navigators

Kinokonekta ng libreng programang ito ang mga residente ng California sa Digital Navigators. Tinutulungan sila ng Digital Navigators na gamitin ang Internet at mga mapagkukunan online. Kalakip sa tulong ang paghahanap ng murang serbisyo sa internet at mga aparato, pagtuturo ng mga kasanayan sa computer, at mga tip sa paggamit ng internet. Upang matuto nang higit pa, pumunta sa ConnectedCalifornia.org, tumawag sa (800) 790-5319, o mag-text sa (626) 873-8396. Maaari rin kayong mag-email sa kanila sa help@connectedca.libanswers.com
 

Mga tech bundle na puwedeng bitbitin

Nag-aalok ang ilang mga pampublikong aklatan ng California ng mga tech bundle na puwedeng i-check out ng mga nasa tamang edad na may wastong library card. Kalakip sa mga bundle ang isang laptop at WiFi hotspot device para sa pag-arkila para sa pangmatagalang paggamit. Puntahan ang inyong lokal na sangay ng aklatan
 

CalFresh

Nagbibigay ang CalFresh ng mga buwanang benepisyo sa pagkain sa mga indibidwal at pamilyang may mababang sahod. Nagbibigay ang programa ng mga buwanang benepisyo sa isang Electronic Benefit Transfer (EBT) na card. Maaari kayong bumili ng pagkain sa alinmang grocery store o farmer’s market na tumatanggap ng mga EBT card. Matuto nang higit pa online sa CalFresh. Maaari rin ninyong tawagan ang CalFresh Helpline sa (877) 847-3663.
 

Eldercare Locator

Ang Eldercare Locator ay isang pampublikong serbisyo ng U.S. Administration on Aging. Kinokonekta nito ang mga mas nakatatanda, caregiver, at kanilang mga pamilya sa mga serbisyo. Matuto nang higit pa online sa Eldercare Locator. Maaari rin ninyo silang tawagan sa (800) 677-1116
 

California Area Agencies on Aging

Pinapamahalaan ng California Department of Aging (CDA) ang mga programang nagsisilbi sa mga mas nakatatanda, mga matandang may mga kapansanan, caregiver, at residente sa mga pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga. Ibinibigay ang mga serbisyo nang lokal sa pamamagitan ng mga ahensyang nakakontrata sa county. Mahahanap ang mga ito ayon sa lugar ng serbisyo. 

Kasama sa tulong ang: 

  • Mga serbisyong para sa nutrisyon
  • Mga serbisyo ng provider
  • Mga pansuportang serbisyo sa loob ng bahay (In-home supportive services, IHSS)
  • Multi-purpose senior services
  • Mga serbisyo ng pangmatagalang pangangalaga, provider, at caregiver
  • Mga serbisyo na trabaho para mga matanda

Hanapin ang inyong lokal na tanggapan sa mapa ng serbisyo

 

Tulong sa utility, tubig, at kuryente

Ang California Department for Community Services and Development (CSD) ay may mga programang tumutulong sa mga taga California na may mababang sahod sa mga biil sa kuryente at tubig. Makakatulong din ang mga programa sa mga residenteng makatipid ng kuryente at babaan ang iba pang utility bill. Matuto nang higit pa tungkol sa mga programa. Maaari rin ninyong tawagan ang CSD sa (866) 675-6623.
 

Blue Shield Promise at LA Care Community Resource Centers

Nag-aalok ang Blue Shield Promise at LA Care Health Plan ng mga resource center sa Los Angeles County sa 12 iba't ibang lokasyon. Bukas ang mga center para sa lahat ng miyembro ng Blue Shield at sa pangkalahatang publiko. 

Kasama sa tulong ang:

  • Suporta sa miyembro at sa enrollment
  • Libreng Wi-Fi para sa mga serbisyo sa telehealth
  • Tulong sa mga programang tumutulong
  • Libreng mga pantry ng pagkain
  • Mga fitness class 

Matuto nang higit pa tungkol sa mga resource center ng komunidad
 

2-1-1

Ang 2-1-1 ay isang libreng impormasyon at referral na programa na kumukonekta sa mga tao sa mga serbisyo sa kanilang komunidad. Available ang 2-1-1 nang 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Nagsisilbi ito sa mga tao na may iba't ibang sahod, wika, background, at lugar. Humingi ng tulong at matuto nang higit pa tungkol sa mga serbisyo para sa pabahay, pagkain, transportasyon, kalusugan ng isip, at higit pa. Magsimula rito
 

Findhelp.org

Ang Findhelp ay isang network ng pangangalagang panlipunan na kumokonekta sa mga tao sa mga programa na suporta. Maghanap para makakita ng mga programang tulong pinansyal, mga pantry ng pagkain, pangangalagang medikal, at iba pang tulong na libre o binabaan ang gastos. 

Y0118_23_408A3_M Tinanggap 12102023

H2819_23_408A3 Tinanggap 12102023

Huling na-update ang pahina: 1/1/2024

*Libreng kopya nang walang obligasyong mag-enroll.

© California Physician’s Service DBA Blue Shield of California 1999-2023. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

Ang California Physician’s Service DBA Blue Shield of California ay isang nagsasariling miyembro ng Blue Shield Association.

Blue Shield of California 601 12th Street, Oakland, CA 94607.

Para sa Blue Shield Medicare Advantage Plans: Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, PPO at PDP na plano na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Nakadepende ang pagpapa-enroll sa Blue Shield of California sa pag-renew ng kontrata.

 
 
Sumusunod ang kumpanya sa mga naaangkop na batas ng estado at pederal na batas sa karapatang sibil at hindi ito nandidiskrimina, nagbubukod ng mga tao, o pinapakitunguhan sila nang naiiba, batay sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, kinabibilangang etnikong pangkat, medikal na kondisyon, genetic na impormasyon, lipi, relihiyon, kasarian, katayuan sa pag-aasawa, kinikilalang kasarian, sekswal na oryentasyon, edad, kapansanan sa pag-iisip, o pisikal na kapansanan. La compañía cumple con las leyes de derechos civiles federales y estatales aplicables, y no discrimina, ni excluye ni trata de manera diferente a las personas por su raza, color, país de origen, identificación con determinado grupo étnico, condición médica, información genética, ascendencia, religión, sexo, estado civil, género, identidad de género, orientación sexual, edad, ni discapacidad física ni mental. 本公司遵守適用的州法律和聯邦民權法律,並且不會以種族、膚色、原國籍、族群認同、醫療狀況、遺傳資訊、血統、宗教、性別、婚姻狀況、性別認同、性取向、年齡、精神殘疾或身體殘疾而進行歧視、排斥或區別對待他人。