Mga FAQ tungkol sa Medicare

Makakuha ng mga sagot sa ilan sa aming mga pinakamadadalas na tanong tungkol sa Medicare. O, tawagan ang isang Tagapayo ng Blue Shield Medicare upang matuto nang higit pa:
(800) 260-9607 (TTY: 711).

Pag-unawa sa Medicare Advantage Prescription Drug at Medicare Prescription Drug Plans

Idinaragdag ang Medicare Part D upang tulungan ang mga indibidwal na magbayad para sa mga inireresetang gamot. Boluntaryo ang pag-sign up para sa Medicare Part D, bagaman maaaring maglapat ng mga multa kung hindi kayo nag-sign up noong una kayong naging karapat-dapat at kapag wala kayong ibang saklaw ng gamot na katumbas o mas magaling kaysa sa saklaw na inaalok ng Medicare. (Tinatawag itong make-credit na saklaw.)

Sino ang karapat-dapat?

Upang sumali sa isang Medicare Prescription Drug Plan (Medicare Part D), kailangang mayroon kayong Medicare Part A at/o Part B. Para sa coverage sa iniresetang gamot sa pamamagitan ng isang Medicare Advantage plan, kailangang mayroon kayong Medicare Part A at Part B para mag-enroll. Dapat ninyong ipagpatuloy ang pagbabayad sa inyong Medicare Part B premium.


Karamihan sa Medicare Prescription Drug Plans (Medicare Part D) ay may gap sa saklaw. Nangangahulugan ito na pagkatapos ninyo at ng inyong planong gumugol ng partikular na halaga ng pera (tinatawag itong "limitasyon sa inisyal na coverage" at maaaring mag-iba ayon sa plano) para sa mga saklaw na gamot, magbabayad kayo ng ibang pagbabahagi ng gastos na halaga para sa inyong mga gamot habang kayo ay nasa "gap" sa saklaw.

Dagdag pa, kapag kayo ay nasa antas na gap sa saklaw, nagbibigay ang Medicare Coverage Gap Discount Program ng mga diskwento ng manufacturer sa mga brand-name na gamot.

Basahin ang Buod ng Mga Benepisyo o Ebidensya ng Saklaw para sa higit pang impormasyon sa saklaw ng bawat plano sa buong panahon ng gap. Sa sandaling maabot na ninyo ang limitasyon sa gap, makakatanggap kayo ng "catastrophic na saklaw."

Sa 2024, nagsisimula ang gap sa saklaw sa sandaling ang inyong kabuuang gastos sa gamot ay umabot ng $5,030.


 

Ang catastrophic na saklaw ay espesyal na saklaw para sa mga taong may masyadong malaking gastos sa mga gamot. Sa sandaling kayo o ang mga kwalipikadong tao sa ngalan ninyo ay nakabayad na ng higit sa $8,000 sa 2024 para sa inyong mga saklaw na gamot, wala na kayong babayaran pa sa natitirang bahagi ng taon.


 

Lahat ng Medicare Advantage Prescription Drug at Medicare Prescription Drug Plans ng Blue Shield ay may kasamang formulary (listahan ng mga saklaw na gamot) na inaprubahan ng Centers for Medicare and Medicaid Services. Paki-review ang angkop na formulary ng plano upang tiyaking kasama rito ang mga inireresetang gamot na kailangan ninyo bago pumili ng isang plano. Kung hindi niyo mahanap ang inyong gamot sa aming formulary, magtanong sa inyong doktor o ibang tagareseta kung may gamot sa aming formulary na maaaring ireseta upang gamutin ang inyong kondisyon. Alamin ang higit pa tungkol sa mga saklaw na gamot sa Formulary para sa Medicare Part D ng Blue Shield of California.


 

Hindi. Hindi available ang coverage sa iniresetang gamot ng Medicare nang direkta mula sa Medicare. Kahit na naipabawas niyo na ang inyong premium mula sa inyong Social Security check, kailangan kayong bumili ng coverage sa iniresetang gamot ng Medicare mula sa isang kumpanya ng insurance o pribadong kumpanya, tulad ng Blue Shield of California, na inaprubahan ng Medicare na mag-alok ng Part D na saklaw ng reseta.


 

Ang susunod na pagkakataon para sa mga tatanggap ng Medicare na mag-enroll ay sa Oktubre 15 hanggang Disyembre 7, sa panahon ng open enrollment. Available ang pagkakataong ito sa parehong panahon bawat taon. May ilang kalagayan na magpapahintulot sa isang tatanggap ng Medicare na mag-enroll sa panahon ng Espesyal na Panahon ng Eleksyon. Tawagan kami sa (855) 203-3874 (TTY: 711) para sa higit pang impormasyon tungkol sa Mga Espesyal na Panahon ng Eleksyon.

Kung hindi kayo nag-enroll noong una kayong naging karapat-dapat at wala kayong ibang make-credit na saklaw, maaaring magbayad kayo ng multa sa late enrollment, na kinakalkula/sinisingil bilang hindi bababa sa 1% ng premium ng benepisyaro na national base para sa bawat buwan na naghintay kayo para mag-enroll. Kung late na kayong nag-enroll sa programa, maaaring bayaran ninyo ang mula na iyan bawat buwan hangga't nananatili kayo sa isang Medicare Part D prescription drug plan.

Para sa isang paliwanag kung paano matukoy ang inyong halaga ng multa para sa late enrollment, tumawag sa 1-800-MEDICARE (1-800-633-4227) TTY/TDD 1-877-486-2048, 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo.


Maghanap ng listahan ng mga numero ng telepono para sa inyong partikular na plano sa pahina na Makipag-ugnayan sa amin.


 

Ang isang gamot ay hindi saklaw ng Medicare Advantage Prescription Drug Plan o Medicare Prescription Drug Plan kung ang pagbabayad para sa gamot na iyan ay available sa ilalim ng Part A o B ng Medicare. Halimbawa, hindi maaaring saklawin ang isang gamot kung pinangangasiwaan sa isang ospital o sa tanggapan ng doktor.

Hindi rin isinama ng Medicare ang mga gamot na mula sa mga sumusunod na kategorya:

  • Mga gamot na hindi inaprubahan ng FDA
  • Mga hindi inireresetang gamot (tinatawag ding mga over-the-counter na gamot)
  • Mga gamot na ginamit upang isulong ang fertility
  • Mga gamot na ginamit para sa pagpapahupa ng ubo o mga sintomas ng sipon
  • Mga gamot na ginamit para sa mga layuning cosmetic o upang pabilisin ang paghaba ng buhok
  • Mga vitamin na nangangailangan ng reseta at mga produktong mineral, maliban sa mga vitamin at fluoride na ginagamit bilang paghahanda bago manganak
  • Mga gamot na ginamit para sa paggamot sa sexual o erectile dysfunction, gaya ng Viagra, Cialis, Levitra, at Caverject
  • Mga gamot na ginamit para sa anorexia, pagbabawas ng timbang o pagdagdag ng timbang
  • Mga outpatient na gamot kung saan nilalayong hiniling ng manufacturer na ang mga nauugnay na pagsusuri o mga serbisyo ng pagsubaybay ay eksklusibong bilhin mula sa manufacturer bilang isang kondisyon ng pagbebenta

Tandaan: Ang mga gastusing nauugnay sa mga gamot na ito ay hindi ilalapat sa inyong true out-of-pocket expenses (TrOOP). Para sa higit pang impormasyon, mangyaring sumangguni sa Center for Medicare at sa dokumento ng Medicaid na Pag-unawa sa True Out-of-Pocket Costs (TrOOP).

Ang impormasyong ito ay hindi kumpletong paglalarawan ng mga benepisyo. Makipag-ugnayan sa numero ng Serbisyo sa Customer sa inyong ID card.


 

Bilang isang karapat-dapat na miyembro ng Medicare Part D, sa bawat pagkakataon na magbabayad kayo mula sa sariling bulsa para sa isang resetang saklaw sa ilalim ng inyong plano ng benepisyo ng parmasya, maaari kayong magsumite ng isang kahilingan para sa pag-reimburse.

Kailangang matanggap ang form ng pag-reimburse sa loob ng tatlong taon mula sa petsa na binayaran ninyo ang serbisyo. Tinatawag ang prosesong ito ng pag-reimburse na direktang pag-reimburse sa miyembro o direct member reimbursement (DMR).

Hindi garantiya ng pagbabayad ang pagsusumite ng form. Hindi maipoproseso ang mga kahilingan sa pag-reimburse kung walang resibo ng reseta.

Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagkumpleto ng DMR form, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong pharmacist o tumawag sa Serbisyo sa Customer sa numero sa inyong ID card ng Blue Shield.

DMR form para sa mga miyembro ng Medicare, Ingles  (PDF, 233 KB)

DMR form para sa mga miyembro ng Medicare, Español  (PDF, 144 KB)

Ipadala sa koreo ang sinagutang DMR form sa:

Blue Shield of California

P.O. Box 52066

Phoenix, AZ 85072-2066


 

Paano gamitin ang inyong formulary ng Blue Shield of California Medicare

Kasama sa bawat Medicare Advantage Prescription Drug Plan and Medicare Prescription Drug Plan (Medicare Part D) ang isang listahan ng mga gamot na sinasaklaw nito. Tinatawag na formulary ang listahang ito. Sa Blue Shield of California, ang formulary ay binuo at pinananatili ng Pharmacy and Therapeutics (P&T) committee at naglalaman ng mga gamot na sinuri at inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA). Kasama sa Blue Shield of California P&T Committee ang mga doktor at mga clinical pharmacist. Sinusuri at ina-update ng committee ang formulary kada tatluhang-buwan man lang upang tulungan ang mga doktor sa pagreseta ng medikal na naaangkop at sulit na mga gamot.


Ang pagpapasya sa saklaw ay isang pasyang ginagawa namin tungkol sa inyong mga benepisyo at saklaw o tungkol sa halagang babayaran namin para sa inyong mga gamot. Ang mga pagbubukod at paunang pahintulot ay ang mga uri ng pagpapasya sa saklaw na maaari ninyong hilingin.

Ang mga kinakailangan sa saklaw ng gamot ng Blue Shield of California ay tinukoy ng aming Pharmacy & Therapeutics (P&T) Committee, batay sa pagsusuri ng medikal na ebidensya, konsultasyon sa eksperto, at mga alituntunin ng paggamot na kinikilala ng bansa, at ginawa na isinasaalang-alang ang mga kinakailangan sa regulasyon para sa mga pagpapasya sa saklaw.

Kung isinasaad sa inyong Medicare Part D na formulary na ang inyong gamot ay may kinakailangan/limitasyon (paunang pahintulot o step therapy) para sa saklaw, maaari ninyong tingnan ang criteria na gagamitin ng Blue Shield of California para gumawa ng pagpapasya sa saklaw. Kailangang matugunan ang kinakailangan bago mapapahintulutan ang saklaw.


Maaaring kailanganin ang paunang pahintulot (paunang pag-apruba) para sa saklaw ng ilang mga gamot. Nangangahulugan ito na kayo, ang inyong doktor, ang ibang tagareseta, o ang hinirang na kinatawan ay kailangang makipag-ugnayan sa Blue Shield of California upang humiling ng paunang pahintulot para sa saklaw ng inyong reseta at upang magbigay ng klinikal na impormasyon. Kapag hindi naisumite ang kinakailangang impormasyon o hindi natutugunan ng impormasyon ang pamantayan ng paunang pahintulot, maaaring hindi masaklaw ang gamot.


 

Hinihiling sa inyo ng step therapy na subukin niyo muna ang ilang gamot upang gamutin ang iyong medikal na kondisyon bago kami magsaklaw ng isa pang gamot para sa kondisyong iyon. Halimbawa, kung parehong ginagamot ng gamot A at gamot B ang inyong kondisyong medikal, maaaring hindi namin saklawin ang gamot B maliban kung subukan niyo muna ang gamot A. Kung hindi mabisa para sa inyo ang gamot A, sasaklawin na namin ang gamot B. Awtomatikong hahanapin ng aming system ng pagpoproseso ng mga claim sa gamot ang dating claim sa gamot A kapag magsumite kayo ng claim para sa gamot B.


 

Bisitahin ang Formulary na pahina. at piliin ang Medicare plan. Dadalhin ka nito sa tool sa paghahanap ng formulary ng plano.

Mayroong dalawang paraan upang tingnan ang mga kinakailangan sa paunang pahintulot at step therapy:

  1. Ilagay ang pangalan ng gamot na hinahanap ninyo sa seksyon na “Paghahanap ng Pangalan ng Gamot” ng tool ng formulary at tingnan ang hanay na “Mga Limitasyon at Mga Paghihigpit O Restriksyon” upang alamin kung lumalabas ang mga simbolong Paunang Pahintulot (Prior Authorization, PA) o Step Therapy (ST).
  2. I-click ang mga link ng “Pamantayan ng Paunang Pahintulot” o “Pamantayan ng Step Therapy” upang i-download ang PDF. Hanapin ang pamantayan ayon sa generic o brand name ng gamot upang tingnan ang mga kinakailangan para sa saklaw ng gamot para sa gamot na iyan.

 

Kapag kayo ay isa nang miyembro ng Blue Shield, kung malaman ninyo na ang hindi sinasaklaw ng inyong piniling plano ang inyong gamot, mayroon kayong dalawang opsyon:

  1. Magtanong sa Serbisyo sa Customer para sa isang listahan ng katulad na mga gamot na saklaw ng planong inyong pinili. Kapag natanggap na ninyo ang listahan, ipakita ito sa inyong doktor at hilingin sa kanilang magreseta ng katulad na gamot na saklaw ng planong inyong pinili. 
  2. Hilingin na gumawa ang Blue Shield of California ng pagbubukod at isaklaw ang inyong gamot. Puntahan ang pahina na Mga pagpapasya sa saklaw para sa higit pang impormasyon kung paano kayo o ang inyong doktor makakasumite ng kahilingan sa pagbubukod para sa inyong gamot.

 

Kung tatawag ang isang tanggapan ng doktor sa Blue Shield of California kasama ang inyong impormasyon, kalakip ang inyong pangalan, numero ng ID ng subscriber, klinikal na pagsusuri, kasaysayan sa dating gamot, at iba pang klinikal na impormasyong hinihiling sa aming pamantayan sa paunang pahintulot para sa gamot, maaari naming i-review ang kahilingan sa panahon ng pagtawag. Kung ang kahilingan ay ipinadala sa fax o isinumite nang elektroniko (at saka ePA), maaaring abutin ito nang 72 oras (o 24 oras para sa mga pinabilis na kahilingan) upang magsagawa ng pagpapasya sa saklaw depende kung natanggap namin ang nakumpletong impormasyon sa fax o elektronikong kahilingan.


 

Maaari kayong tumawag sa tanggapan ng inyong doktor o tumawag sa numero ng Serbisyo sa Customer sa inyong ID card.


 

Impormasyon sa multa sa late enrollment ng Part D

Maaaring magbayad ng multa sa late enrollment ang isang taong nag-enroll sa Medicare Advantage Prescription Drug Plan o Medicare Prescription Drug Plan kung nagpapatuloy silang walang Part D o iba pang mai-credit na saklaw sa inireresetang gamot para sa anumang tuloy-tuloy na panahon na 63 araw o higit pa, pagkatapos ng katapusan ng kanilang Paunang Panahon ng Enrollment para sa Part D na saklaw.

Sa pangkalahatan, ang multa sa late enrollment ay idinaragdag sa buwanang Part D na premium ng isang tao hangga't mayroon siyang coverage sa iniresetang gamot ng Medicare, kahit na binabago niya ang kaniyang Medicare Advantage Prescription Drug Plan o Medicare Prescription Drug Plan (Medicare Part D). Nagbabago kada taon ang halaga ng multa sa late enrollment. Ang halaga ng multa sa late enrollment ay nakadepende kung gaano katagal nagpatuloy ang tao na walang saklaw sa Part D o iba pang coverage sa iniresetang gamot.


 

  • Sumali sa isang plano ng gamot ng Medicare kapag kayo ay naging unang karapat-dapat para sa Medicare. Hindi niyo kailangang magbayad ng multa, kahit na wala pa kayong coverage sa iniresetang gamot dati.
  • Huwag magpatuloy ng 63 o higit pang magkakasunod na araw nang walang plano ng gamot ng Medicare o iba pang make-credit na saklaw sa gamot. Maaaring kalakip sa mai-credit na saklaw sa inireresetang gamot ang saklaw sa gamot mula sa isang kasalukuyan o dating employer o union, TRICARE, Indian Health Service, Department of Veterans Affairs, o saklaw sa insurance sa kalusugan. Dapat na ipaalam sa inyo ng inyong plano kada taon kung ang inyong saklaw ng gamot ay make-credit na saklaw. Maaaring ipadala nila ang impormasyon ito sa isang sulat o dalhin ang inyong atensyon sa isang newsletter o iba pang piraso ng sulat. Itago ang impormasyong ito, dahil baka kakailanganin ninyo ito kung sasali kayo sa isang plano ng gamot ng Medicare sa ibang pagkakataon.
  • Panatilihing makikita sa mga talaan kung nagkaroon kayo ng mai-credit na saklaw sa gamot, at ipaalam ito sa inyong plano. Kapag sumali kayo sa isang plano ng gamot ng Medicare, titingnan ng plano kung nagkaroon kayo ng mai-credit na saklaw sa gamot sa loob ng 63 araw o higit pa nang sunod-sunod. Kung naniniwala ang plano na wala kayo nito, magpapadala ito sa inyo ng sulat na may kasamang form na tinatanong ang tungkol sa kung nagkaroon kayo ng anumang saklaw ng gamot. Kumpletuhin ang form at ibalik ito sa inyong plano ng gamot sa deadline na nakalagay sa sulat. Kung hindi niyo sasabihan ang plano tungkol sa inyong mai-credit na saklaw sa gamot, maaaring magbayad kayo ng multa.

 

Karamihan sa mga plano na nag-aalok ng coverage sa iniresetang gamot, tulad ng mga plano mula sa mga employer o union, ay kailangang magpadala sa kanilang mga miyembro ng abiso na nagpapaliwanag kung paano maihahambing ang kanilang coverage sa iniresetang gamot sa coverage sa iniresetang gamot ng Medicare. Nagsasabi ang abisong ito sa inyo kung ang inyong coverage sa iniresetang gamot sa buong panahon ng inyong naunang plano ay "mai-credit na saklaw sa inireresetang gamot," na nangangahulugang natugunan nito ang minimum na mga pamantayan ng Medicare. Kung hindi kayo nakatanggap ng hiwalay na nakasulat na abiso, maaaring ibinigay ng inyong plano ang impormasyong ito sa handbook ng mga benepisyo nito. Kung hindi ninyo alam kung natugunan ng inyong dating coverage sa iniresetang gamot ang pamantayang ito, kailangan niyong makipag-ugnayan sa inyong naunang plano.


 

Kung hindi kayo sumali sa Medicare Advantage Prescription Drug Plan o Medicare Prescription Drug Plan (Medicare Part D) noong una kayong naging karapat-dapat, at wala kayong ibang mai-credit na saklaw sa inireresetang gamot, maaaring magbayad kayo ng multa sa late enrollment. Sa ilang kaso, may karapatan kayong hilingin sa Medicare na i-review ang desisyon sa inyong multa sa late enrollment. Tinatawag itong muling pagsasaalang-alang. Halimbawa, maaari kayong humiling ng muling pagsasaalang-alang kung sa tingin ninyo ay hindi binilang ng Medicare ang lahat ng inyong mai-credit na saklaw o kung hindi kayo nakakuha ng abiso na malinaw na nagpaliwanag kung ang inyong dating coverage sa iniresetang gamot ay make-credit. Ang iba pang dahilan para humiling ng muling pagsasaalang-alang ay nakalista sa form ng kahilingan na ipinadala kasama ng abisong ito.


 

Kayo o ang isang taong pinangalanan ninyong kumilos sa ngalan ninyo (ang inyong kinatawan) ay maaaring humiling ng muling pagsasaalang-alang. Kung humihiling ang isang tao ng muling pagsasaalang-alang para sa inyo, kailangan silang magpadala ng patunay ng kanilang karapatan na kumatawan sa inyo kasama ng form ng kahilingan. Ang patunay ay maaaring isang form ng power of attorney, utos ng hukuman, o form ng pagtatalaga ng kinatawan. Maaari niyo ring tawagan ang helpline ng Medicare sa (800) MEDICARE (800-633-4227) / TTY: (877) 486-2048 at humiling ng Form CMS-1696, ang form ng pagtatalaga ng kinatawan.

Kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa impormasyon sa form na ito o sa multa sa late enrollment (gustong kumpletuhin ang form na ito sa telepono), tumawag sa numbero ng Serbisyo sa Customer ng Blue Shield of California sa inyong ID card.


 

Mga mapagkukunan at mga benepisyo para sa mga miyembro ng Blue Shield of California Medicare Advantage – Prescription Drug Plan

Ang Durable medical equipment (DME) ay isang uri ng medical equipment na iniuutos ng inyong doktor para sa mga medikal na dahilan. Mga halimbawa ng durable medical equipment ay mga walker, wheelchair, at kama sa ospital.

Kasama sa mga equipment na sinasaklaw ng Blue Shield Medicare Advantage – Prescription Drug Plans ang, ngunit hindi limitado sa:

  • Mga wheelchair
  • Mga saklay
  • Mga kama sa ospital
  • IV infusion pump
  • Kagamitang nagbibigay ng oxygen
  • Nebulizer
  • Walker

Sa pangkalahatan, sinasaklaw ng Blue Shield of California Medicare plans ang anumang durable medical equipment na saklaw ng Original Medicare mula sa mga brand at manufacturer sa aming listahan. Hindi namin sasaklawin ang iba pang brand at manufacturer maliban kung sasabihin sa amin ng inyong doktor o iba pang provider na angkop ang brand para sa inyong mga medikal na pangangailangan.

Impormasyon para sa mga bagong miyembro ng Blue Shield of California Medicare Advantage – Prescription Drug Plan

Kung bago kayo sa Blue Shield of California Medicare Plan at gumagamit ng isang brand ng durable medical equipment (DME) na wala sa aming listahan, patuloy naming isasaklaw ang brand DME na ito para sa inyo nang hanggang 90 araw. Sa panahong ito, dapat kayong makipag-usap sa inyong doktor upang pagpasyahan kung anong brand DME ang medikal na naaangkop para sa inyo pagkatapos ng 90 araw na ito. (Kung hindi kayo sang-ayon sa inyong doktor, maaari ninyong hilingin sa kanila na i-refer kayo para sa ikalawang opinyon.)

Kung bago kayo sa Blue Shield of California Medicare Plan at gumagamit ng isang inirereserang gamot na wala sa aming formulary (listahan ng mga saklaw na gamot), isasaklaw namin ang pansamantalang 30 araw na suppply (31 araw kung kayo ay nasa isang pasilidad sa pangmatagalang pangangalaga) para sa inyo sa loob ng inyong unang 90 araw ng bagong membership. Sa loob ng 90 araw na ito, kailangan kayong makipag-usap sa inyong doktor upang matukoy kung angkop ang ibang gamot para sa inyo. Kung hindi kayo sang-ayon, maaari kayong humiling ng pagpapasya sa saklaw

Pagpapasya sa saklaw ng plano

Kung kayo (o ang inyong provider) ay hindi sumangsang-ayon sa pagpapasya sa saklaw ng Blue Shield of California Medicare Advantage Health Plan, kayo, ang inyong kinatawan, o ang inyong provider ay maaaring maghain ng apela. Maaari rin kayong maghain ng apela kung hindi kayo sumasang-ayon sa pasya ng inyong doktor tungkol sa kung anong produkto o brand ang angkop para sa inyong kondisyong medikal.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga apela, tingnan ang Kabanata 9 ng inyong Ebidensya ng Saklaw, “Ano ang dapat gawin kung mayroon kayong problema o reklamo (mga pagpapasya sa saklaw, apela, reklamo)”.

TANDAAN: Maaaring ilapat ang mga panuntunan ng pahintulot para sa mga serbisyo. Para sa mga detalye, makipag-ugnayan sa numero ng Serbisyo sa Customer sa inyong ID card.


 

Sinasaklaw ng Blue Shield of California Medicare Plans ang mga monitor ng glucose sa dugo at mga test strip. Pakitingan ang inyong plano sa ibaba para sa higit pang impormasyon kung aling mga monitor ng glucose sa dugo at mga test strip ang pinili.

Dadalhin kayo nito sa mga benepisyo ng modernong teknolohiya tulad ng:

  • Madaling gamitin, walang kinakailangang mga coding meter
  • Virtual at walang sakit na pagsusuri gamit ang pinakamaliit sa mundong sample size ng dugo
  • Nadaragdagang flexibility sa pagsuri ng glucose sa mas maraming body site
  • 24 oras na pagsasanay sa meter at teknikal na suporta

Sinasaklaw ng Blue Shield of California Medicare Plans ang mga meter at mga test strip. Maaaring mag-iba ang mga pagpepresyo at halaga ayon sa plano at piniling vendor.

Para sa Blue Shield 65 Plus (HMO), Blue Shield 65 Plus Plan 2 (HMO), Blue Shield Inspire (HMO) Plan, Blue Shield 65 Plus Choice Plan (HMO), Blue Shield Enhanced (HMO), az Blue Shield Select (PPO) sumangguni sa sumusunod para sa higit pang impormasyon:

  • Alamin ang tungkol sa mga piniling diabetic test strip ng Part B 
    Ingles (PDF, 110KB), Espanyol (PDF, 172 KB)

Para sa Blue Shield AdvantageOptimum Plan (HMO), Blue Shield AdvantageOptimum Plan 1 (HMO), Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP), at Blue Shield Inspire (HMO D-SNP), sumangguni sa sumusunod para sa higit pang impormasyon:

  • Alamin ang tungkol sa mga piniling diabetic test strip ng Part B 
    Ingles (PDF, 125 KB), Espanyol (PDF, 127 KB)

Kung mayroon kayong anumang mga katanungan, makipag-ugnayan sa numero ng Serbisyo sa Customer ng Blue Shield Medicare Advantage sa inyong ID card.


 

May malawak na network ng mga pharmacy ang Blue Shield of California. Tingnan ang inyong direktoryo ng pharmacy upang kumpirmahin kung bahagi ng aming network ang inyong pharmacy.


 

Palaging dalhin ang inyong ID card ng plano kapag pupunta sa pharmacy upang tiyaking masulit ninyo ang inyong saklaw ng gamot. Kailangan ninyong ipakita ang card kahit na ang inyong plano ay may nababawas, kung saan ay maaaring magbayad kayo ng 100 percent para sa gamot. Nagbibigay-daan ito para inyong matanggap ang nakakontratang rate ng Blue Shield sa pharmacy at tinitiyak na ang inyong pagbabayad ay maisasama sa inyong taunang mga gastos na galing sa bulsa.


 

Kapag nag-enroll kayo sa isang Blue Shield of California Medicare plan, nagbibigay ang inyong saklaw ng isang benepisyo ng mail service na nag-aalok ng mga pagtitipid sa gastos at ng kaginhawaan ng pag-deliver sa bahay.

Sa sandaling nagsisimula na ang inyong plano, magkakaroon kayo ng access sa benepisyong ito.


Kasama sa kabanatang “Ang pagtatapos ng inyong membership sa plano” sa Ebidensya ng Saklaw ng plano ang mahahalagang paksa tulad ng:

  • Kailan ninyo maaaring tapusin ang inyong membership
  • Paano tapusin ang inyong membership
  • Bakit maaaring kailangang tapusin ng Blue Shield ang inyong membership sa plano

Maaaring boluntaryo (sarili ninyong pasya) o hindi boluntaryo (hindi ninyo pasya) ang pagtatapos ng inyong membership. Ilang mahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa pag.alis sa isang plano:

1. Maaaring umalis kayo sa aming plano dahil nagpasya kayong gusto ninyong umalis.

Nakadepende ang proseso sa boluntaryong pagtatapos ng inyong membership sa kung anong uri ng bagong saklaw ang inyong pinipili. Kung mag-eenroll kayo sa ibang plano na may coverage sa iniresetang gamot, ang pag-eenroll lamang sa ibang planong iyan ay tatapos sa inyong membership sa aming plano.

Para sa Medicare Advantage Prescription Drug at/o Medicare Prescription Drug Plans, gayunpaman, ay may ilang mahahalagang petsang dapat malaman. Ang pinakakaraniwan ay Taunang Panahon ng Enrollment, mula Oktubre 15 hanggang Disyembre 7.

Sa panahong ito, ang mga enrollee ng Medicare Advantage Prescription Drug at/o Medicare Prescription Drug plan ay maaaring mag-enroll sa ibang Medicare Advantage Prescription Drug at/o Medicare Prescription Drug Plan o pag-disenroll sa kanilang Medicare Advantage Prescription Drug at/o Medicare Prescription Drug Plan at bumalik sa Original Medicare. Maaaring gumawa lamang ng isang pagpili ang mga indibidwal sa panahon ng Taunang Panahon ng Enrollment.

Para sa mga tanong tungkol sa pag-alis sa aming plano, makipag-ugnayan sa numero ng Serbisyo sa Customer sa inyong ID card.

2. Mayroon ding mga limitadong sitwasyon kung saan hindi ninyo piniling umalis, ngunit kailangan naming tapusin ang inyong membership.

Halimbawa, kung aalis kayo sa inyong lugar ng serbisyo o hindi kayo nanatiling patuloy na naka-enroll sa Medicare Part A at Part B.

Kung aalis kayo sa aming plano, kailangang patuloy ninyong kunin ang inyong pangangalagang medikal at/o mga inireresetang gamot sa pamamagitan ng aming plano hanggang matapos ang inyong membership.

3. Hindi namin maaaring hilingin sa inyong umalis sa aming plano para sa anumang dahilan na may kaugnayan sa inyong kalusugan, at kapag tinapos namin ang inyong membership sa aming plano, dapat naming sabihin sa inyo ang aming mga dahilan sa pamamagitan ng sulat para sa pagtapos sa inyong membership.

Dapat din naming ipaliwanag kung paano kayo makakapagreklamo tungkol sa aming pasya na tapusin ang iyong membership.


 

Magsimula sa aming pahina ng Mga Mapagkukunan na may mga kapaki-pakinabang na link sa mga dokumento ng plano at iba pang mga mapagkukunan ng miyembro. Kung isa na kayong miyembro ng Blue Shield, mag-log in sa inyong account para sa personalized na impormasyon sa inyong mga benepisyo.

Maaari kayong makipag-ugnayan sa Centers for Medicare and Medicaid Services para sa impormasyon sa mga opisyal na serbisyo ng pamahalaan.

Makipag-ugnayan sa Medicare: 

Puntahan ang www.medicare.gov o tumawag sa (800) MEDICARE (800-633-4227) / TTY: (877) 486-2048, 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo.

Health Insurance Counseling and Advocacy Program (HICAP)

Nagbibigay ang programa ng libreng payo sa mga taong may Medicare.

Telepono: (800) 434-0222 / TTY: (800) 735-2929
Lunes hanggang Biyernes, 9 a.m. hanggang tanghali at 1 p.m. hanggang 5 p.m. (PST)

Blue Shield of California

Tuklasin ang mga opsyon ng Blue Shield of California plan ngayon. Malalaman ninyo kung anong mga plano ang nasa inyong lugar at magkano ang maaaring mabayaran ninyo para sa bawat isa.


Maaari rin kayong makipag-usap sa inyong lokal na broker o sa isa sa aming mga tagapayo ng Blue Shield Medicare.

Telepono: (800) 963-8008 (TTY: 711)

Mga Oras: Abril 1 hanggang Septyembre 30: 8 a.m. hanggang 8 p.m., tuwing weekdays at Oktubre 1 hanggang Marso 31: 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo.

 

Tandaan: Upang matingnan ang mga PDF na dokumento sa pahinang ito, kailanganin ninyo ng Adobe Reader.


 

Pinapalitan ng Medicare Advantage Plans ang mga benepisyo ng Original Medicare, kung saan ay nakakapag-ambag kayo rito sa anyo ng mga buwis sa payroll. Kapag pumili kayo ng isang Medicare Advantage plan, inililipat ninyo ang inyong benepisyo sa isang insurer tulad ng Blue Shield of California. Kaya nire-reimburse kami ng pamahalaan at gagamitin ang pagbabayad na iyon para sa inyong saklaw sa mga nasa network na provider.


 

Y0118_23_379A3_M Accepted 06172024
H2819_23_379A3_M Accepted 06172024

Page last updated: 07/02/2024

*Libreng kopya nang walang obligasyong mag-enroll.

© California Physician’s Service DBA Blue Shield of California 1999-2024. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

Ang California Physician’s Service DBA Blue Shield of California ay isang nagsasariling miyembro ng Blue Shield Association.

Blue Shield of California 601 12th Street, Oakland, CA 94607.

Para sa Blue Shield Medicare Advantage Plans: Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, PPO at PDP na plano na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Nakadepende ang pagpapa-enroll sa Blue Shield of California sa pag-renew ng kontrata.

 
 
Sumusunod ang kumpanya sa mga naaangkop na batas ng estado at pederal na batas sa karapatang sibil at hindi ito nandidiskrimina, nagbubukod ng mga tao, o pinapakitunguhan sila nang naiiba, batay sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, kinabibilangang etnikong pangkat, medikal na kondisyon, genetic na impormasyon, lipi, relihiyon, kasarian, katayuan sa pag-aasawa, kinikilalang kasarian, sekswal na oryentasyon, edad, kapansanan sa pag-iisip, o pisikal na kapansanan. La compañía cumple con las leyes de derechos civiles federales y estatales aplicables, y no discrimina, ni excluye ni trata de manera diferente a las personas por su raza, color, país de origen, identificación con determinado grupo étnico, condición médica, información genética, ascendencia, religión, sexo, estado civil, género, identidad de género, orientación sexual, edad, ni discapacidad física ni mental. 本公司遵守適用的州法律和聯邦民權法律,並且不會以種族、膚色、原國籍、族群認同、醫療狀況、遺傳資訊、血統、宗教、性別、婚姻狀況、性別認同、性取向、年齡、精神殘疾或身體殘疾而進行歧視、排斥或區別對待他人。