Pagtatalaga ng Kinatawan
Maaaring magtalaga ang isang enrollee ng plano ng Blue Shield Medicare ng sinumang indibidwal (tulad ng isang kamag-anak, kaibigan, tagapagtaguyod, abogado, o sinumang doktor) na kikilos bilang kanilang kinatawan at maghain ng apela sa ngalan nila.
Gayundin, maaaring magpahintulot ang korte ng isang kinatawan na kikilos ayon sa Batas ng Estado upang maghain ng apela para sa isang enrollee. Kalakip sa isang kintawan ang, ngunit hindi limitado sa:
- Isang tagapangalaga na hinirang ng korte
- Isang indibidwal na may durable power of attorney
- Isang proxy ng pangangalagang pangkalusugan
- Isang taong itinalaga sa ilalim ng isang consent statute ng pangangalagang pangkalusugan
- Isang tagapagpatupad ng estate.
Upang maisagawa ang pagtatalaga na ito, ang parehong enrollee na gumagawa ng pagtatalaga o appointment at ang kinatawan na tatanggap ng pagtatalaga ay kailangang pumirma, maglagay ng petsa, at kumpletuhin ang form ng kinatawan.
Hindi kailangang magpakita ng form ng kinatawan ang isang kakatawan kung sakaling ang katayuan ng enrollee ay may kapansanan o walang kakayahang ingatan ang sarili ayon sa batas. Sa halip, kailangan nilang magpakita ng ibang naaangkop na mga legal na papeles na sumusuporta sa kaniyang katayuan bilang awtorisadong kinatawan ng enrollee.
Ang isang nilagdaang Form ng Pagtatalaga ng Kinatawan o katumbas na nakasulat na abiso ay kailangang may kalakip na mga sumusunod:
- Pangalan ng miyembro o enrollee ng plano ng Medicare
- Address ng miyembro o enrollee ng plano ng Medicare
- Numero ng telepono ng miyembro o enrollee ng plano ng Medicare
- Health Insurance Claim Number (HICN) ng miyembro o enrollee ng plano ng Medicare
- Medicare Identifier (ID) o plan ID number ng miyembro o enrollee ng plano ng Medicare
- Pangalan ng hinirang
- Address ng hinirang
- Numero ng telepono ng hinirang
- Propesyonal na katayuan o relasyon ng hinirang sa miyembro
Dapat maglaman din ang form ng isang pahayag na pinapahintulutan ng enrollee ang kinatawan na kikilos sa ngalan niya para sa (mga) claim na pinag-uusapan. Kailangang may kasama rin itong isang pahayag na nagpapahintulot ng paghahayag ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan sa kinatawan. Dapat lagdaan at lagyan ng petsa ang abiso ng enrollee na gumagawa ng appointment at ng hinirang bilang kinatawan. Pakilakip ng isang paghahayag na tinatanggap ng kinatawan ang appointment. Kailangang ilakip ang sumusuportang katayuan ng awtorisadong kinatawan sa bawat apela.
May bisa ang Pagtatalaga ng Kinatawan sa loob ng isang taon, maliban kung pinapawalang-bisa, mula sa petsa kung kailan nilagdaan ng miyembro at kinatawan ang appointment. Gayundin, may bisa ang pagkakaroon ng kinatawan sa buong panahon ng apela.
Kailangang magsumite ng isang photocopy ng nilagdaang form ng kinatawan kasama ng mga apela sa hinaharap sa ngalan ng enrollee upang magpapatuloy ang pagkakaroon ng kinatawan. Ang photocopy ng form ay magagamit lang sa loob ng isang taon pagkatapos ng petsa ng lagda ng enrollee.
Anumang apelang natanggap na may kasamang photocopy ng form ng kinatawan na higit sa isang taon ay walang bisa. Kailangang magsumite ang enrollee ng bagong form.
Form ng pagtatalaga ng kinatawan
Mag-download at mag-print ng form sa inyong gustong wika:
- Ingles (PDF, 1 MB)
- Español (PDF, 107 KB)
- Arabic (PDF, 166 KB)
- Armenian (PDF, 207 KB)
- Cambodian (PDF, 238 KB)
- Chinese (Simplified) (PDF, 241 KB)
- Chinese (Traditional) (PDF, 299 KB)
- Farsi (PDF, 223 KB)
- Korean (PDF, 322 KB)
- Russian (PDF, 150 KB)
- Tagalog (PDF, 196 KB)
- Vietnamese (PDF, 297 KB)
Maaari rin kayong makakuha ng isang kopya ng Form ng Pagtatalaga ng Kinatawan ng Centers for Medicare at Medicaid Service at iba pang kaugnay na form mula sa Medicare.gov website.
Pahintulot para sa Paglabas ng Impormasyong Pangkalusugan
Nagbibigay din ang Blue Shield ng opsyon na gamitin ang kanilang form sa pagpapahintulot upang pahintulutan ang pag-access ng third-party sa inyong protektadong impormasyong pangkalusugan o protected health information (PHI). Makikita mo rin ang form na ito sa ibang wika.
- Ingles (PDF, 105 KB)
- Español (PDF, 85 KB)
- Arabic (PDF, 186 KB)
- Armenian (PDF, 130 KB)
- Cambodian (PDF, 118 KB)
- Chinese (Simplified) (PDF, 248 KB)
- Chinese (Traditional) (PDF, 164 KB)
- Farsi (PDF, 145 KB)
- Korean (PDF, 125 KB)
- Russian (PDF, 173 KB)
- Tagalog (PDF, 94 KB)
- Vietnamese (PDF, 185 KB)
Y0118_23_408B2_M Tinanggap 12042023
H2819_23_408B2_M Tinanggap 12042023
Huling na-update ang pahina: 1/1/2024